Mga kandidata sa Binibining Pilipinas, may panlaban sa stress at pressure
- a44254
- Sep 10, 2025
- 2 min read

Bukod sa magaganda, ang gagaling sumagot ng mga contestant sa Binibining Pilipinas 2025.
Humarap nga ang mga ito sa ilang entertainment editor na umaktong hurado at nagtanong sa kanila.
Parang mas mahusay ang mga nag-screen ng mga sasali ngayong taon base sa mga naging sagot nito.
At kabilang dito ang Kapamilya star na si Vivian Hernandez na ang bilis ng opinion / comment nang tanungin tungkol sa NCAP (no contact apprehension) at impeachment ni VP Sara Duterte.
Aniya, ang nasabing dalawang mainit na pinag-uusapan ng buong bayan sa kasalukuyan ay dapat munang pag-aralang mabuti dahil maraming kailangang ikonsidera bago ito magawan ng desisyon.
Anyway, kapag beauty pageant ang usapan, laging nasa spotlight ang flawless na kutis, grace under pressure at bonggang stage presence. Pero ang hindi alam ng marami, sa likod ng bawat kandidatang lumalaban para sa korona ay matinding training na sumusubok sa katawan at isipan nila.
Kaya naman sa 36 na kandidata ng Bb. Pilipinas 2025, hindi lang ganda at karisma ang labanan kundi pati health at recovery. At dahil dito, napili ng prestihiyosong pageant ang My Daily Collagen bilang exclusive wellness partner.
Ayon kay Anna Perez, president ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”
Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”
Kwento naman ni Oliver Salas, chief sales officer ng brand, may mga dating Bb. queens na talagang gumagamit na ng kanilang produkto, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers. “Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands. Pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queen na gumagamit ng aming produkto.”
Hindi lingid sa publiko na collagen ay nakakatulong sa kutis — at kitang-kita naman sa kinang ng mga Binibini sa mga pre-pageant activity.
“My Daily Collagen doesn’t just help with beauty, it supports your overall health,” dagdag ni Ms. Perez, na isa ring registered nurse at nagpapatakbo ng skincare clinics.
May beauty effect nga, pero aniya mas malayo pa ang naaabot ng benefits ng produkto.
Kaya’t malaking tulong nga naman ang produkto para maka-recover ang mga kandidata sa physical at mental stress na pinagdaraanan bago sumabak sa coronation night.
Happy rin sila kasi voluntary ang mga testimonial na natanggap nila.
Galing sa sports world ang brand — sinusuportahan nito ang Premier Volleyball League at ito rin ay organizer ng multi-sport events, kabilang na ang five-year-old na My Daily Collagen Triathlon. Pero ngayon, pinasok na rin nila ang mundo ng pageantry para i-promote ang holistic beauty.




Comments