top of page
Search

My Daily Collagen wellness partner ng Bb. Pilipinas candidates


Kapag beauty pageant ang pinag-uusapan, laging nasa spotlight ang pagkakaroon ng flawless na kutis, grace under pressure at markadong stage presence.


Ang hindi alam ng marami, sa likod ng bawat kandidatang lumalaban para sa korona ay ang matinding training na sumusubok sa kanilang pangangatawan at isipan.


Kaya naman para sa 36 na kandidata ng Bb. Pilipinas 2025, hindi lang ganda at karisma ang labanan kundi pati health at recovery. Dahil dito, napili ng prestihiyosong pageant ang My Daily Collagen bilang exclusive wellness partner.


Ayon kay Anna Perez, presidente ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”

Dagdag niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”


Sey naman ni Oliver Salas, chief sales officer ng brand, “We took time to study the Binibining Pilipinas brand. And one thing that we discovered is ano siya, eh, ‘yung summary niya is kung beauty pageant ano ka, sumasali or contestant ka, or if you’re a beauty pageant winner in the Philippines, hindi kumpleto ‘yung experience mo kung hindi ka dumaan sa Bb. Pilipinas, eh. And having 61 years of existence dito sa Pilipinas, Bb. Pilipinas is not just a brand, it’s an institution. And we are very, very proud to be partners with them.”


Hindi nga basta-basta ang tiwalang ’yan. Ang Binibining Pilipinas ay kilala hindi lang sa pag-produce ng world-class beauty queens kundi sa mataas na standards. Kaya hindi lang ganda ng produkto ang basehan ng partnership kundi shared values din.


Kwento pa ni Oliver, may mga dating Binibini queens na talagang gumagamit na ng My Daily Collagen, at dito, actually, nagsimula ang interes ng pageant organizers.


“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands. Pero naniwala sila dahil sa feedback ng dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” aniya.


Common knowledge na ang collagen ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kutis at kitang-kita naman ito sa kinang ng mga Binibini sa coronation night.

Pero ang tunay na laban, ayon sa brand, ay sa internal health benefits nito.


“My Daily Collagen doesn’t just help with beauty, it supports your overall health,” pahayag ni Anna, na isa ring registered nurse at nagpapatakbo ng ilang skincare clinics.

May beauty effect na, malayo pa ang naaabot ng benefits nito.


May kombinasyon ito ng high-quality collagen, royal jelly, elastin, hyaluronic acid, ceramide at essential vitamins. Meron ding Pico Tablet variant na may ultra-small collagen molecules para mas mabilis itong ma-absorb ng katawan.


Iniinom man nang sabay o hiwalay, tumutulong ang produkto para malabanan ang stress at pagod.


“Pinapalakas nito ang immune system, maganda para sa puso, sa wound healing at may natural sun protection din. May mga pag-aaral pa na nagsasabing nakakatulong ito sa brain health, like in preventing Alzheimer’s,” dagdag ni Anna. “Pero dapat consistent ang paggamit para maramdaman talaga ang effect.”


Consistency nga ang numero uno sa laban ng pageant candidates.

“Mahigpit ang training. Iba ang pressure. Hindi biro sumali sa pageant,” ani Anna.

Galing sa sports world ang brand — sinusuportahan nito ang Premier Volleyball League at ito rin ay organizer ng multi-sport events, kabilang na ang five-year-old na My Daily Collagen Triathlon.


Ngayon, pinasok na rin nila ang mundo ng pageantry para i-promote ang holistic beauty.

Para kay Oliver, proud sila sa renewed partnership.


“I think kami ang first brand na ni-renew ng Bb. Pilipinas. And exclusive pa rin kami — Bb. Pilipinas lang ang sinusuportahan namin,” aniya.


“Our support doesn’t stop on coronation night,” dagdag ni Oliver. “Kasama pa rin kami ng queens habang nire-represent nila ang Pilipinas sa international stage.”


Anyway, ang My Daily Collagen ay available sa leading drugstores and supermarkets — Watsons, Mercury, Landers, Shopwise, The Market Place, Rose Pharmacy, HB1 at Mitsukoshi Mall.



 
 
 

Comments


bottom of page